Saturday, December 18, 2010

kapag may isinuksok, may madudukot, kapag may itinanim may aanihin!

Ako ang nagtanim, ako ang bumayo, ikaw ang kumain! Shet! haha!

Ang sarap minsan ng ganto'ng buhay no! talagang mapapa-shet ka! paano masusunod ang rule nato "kapag may isinuksok, may madudukot, kapag may itinanim may aanihin!" kung iba naman ang makikinabang!

Minsan unfair ang buhay, hindi dahil madamot ka kundi dahil ikaw ang umiintindi. Pero hindi dapat maging ganto ang mangyari dahil nangungunsinti ka nalang kapag pinabayaan mong ganun ang sitwasyon.

Bakit hindi ka nalang magturo ng pagbabayo at pagtatanim? para hindi nalang umasa sa pagkaing iaabot mo. Good point! eto ang tamang panahon para matuto ang lahat sa halaga ng pagpapahalaga sa sipag at sa bunga nito. Ika nga nila, " Huwag pakakanin ang tamad!" matutong kumilos at magsikap. Kailan? ngayon na! Go go go!

Growing your business, as well your attitude!

Growth! that single word means a lot to every business or even individual. These all started with single seed of idea. Even started as a dream, enjoying the fruits of that seed that you planted many years back.

But before we enjoy every fruit of that dream, we should  not forget the process of growth. We should not expect any fruits without planting any seed. Seeds may be compared to investment, not only money but time. We should be part of the growth process, day by day, week by week, month by month and year after years.

business growth is almost the same, we will definitely invest money and time, and being part of the growth is inevitable! day by day you will wait for that moment for you to enjoy the fruits of your labor. And as the plant owner, you become so careful with what have you planted, as it bears many fruits, your attitude should also grow in unison so you could take good care of it, and make necessary adjustments as time and need arises. Patience will teach you humility. Timing is everything and planning is your weapon to uncertainty.

This is just a reflection from my experience, and i hope this could help a little, as little as the seed that we can plant, but when it grows into a tree of success and bears a lot of fruits. I hope i could a get a bite or even a basket! :-)

Business startup chaos...appreciating the hardship, determination and focus

You can easily assessed a business at the point of view of a customer, whether its really making money or not. That's my point of view before, but now that i divulge my self into putting up my own, perspective shifted on new direction... now i'm the seller- the business owner, trying to win the heart of my clients and trying my best to show them that I am on the top of the ladder and ahead of my competition and i have a lot of things to offer.

Starting up your own business literally from scratch, well, not actually from zero zone but to recoup again after a great loss.. we may call it bad management, economic turmoil or in lay-mans term "nalugi" because of many uncertainty, but the the courage of rebuilding once glorious status and starting all-over again and having a perspective of what had become is such as saving grace! This time, great appreciation of hardship, determination and focus is the main thrust. This fuels your heart and give dynamism to your brain, to think ten times before making any decision. I once heard about "paralysis due to over analysis" this may hold true, but its better to think and analyse options before making any decision.

There's no such thing as big or small business, its all about attitude! -- this is very true in simplest manner. Big guys or the Big names in business manage their business with common sense. I myself witness these from my father, he's one of the marvelous business man i really look up to! His winning attitude is like a virus, its spread like wild fire, and even up to this days he can manage to dig up things in many departments of our business and his "common sense" is the epitome of our success! before its like magic to me how he did it, but now even after so many years of involvement in the family business, i still gazed up with my father's prowess and boldness in his decisions, and I'm sure that its because of his attitude and the years of experience that molded him to become such a wise man. He continuously share his story of hardship to inspire us to continue in time of struggle, his determination is evident, time may change but his energy is still in full-throttle and his focus heart and mind never losses sight and vision of where he could still lead us ahead in places and success beyond our imagination.

Sunday, December 5, 2010

Kuta ni fuma-ley-ar o ni shaider? Itlog at tuyo lang ang Katapat!

Sarap! nakaka relax! kakarelax magtambay sa isang kubo, parang na time space warp ako, biglang naiba ang usual na linggo ko. pagdating sa kubo sasalubungin ka ng tinolang manok, at takenote hindi sayote ang gulay kundi manibalang na papaya! native pa yata ang manok kaya panalo! nag-iimbita tuloy na madaming kanin na pwedeng makain, pero medyo control baka ma-high blood! eh katabi ko pa naman ang patis na may kalamansi! patay na! hindi pa kami natatapos kumain eh nagpapaluto na ng pangmeryenda. Patay malisya pa akong hindi ko inaabangan pero ako na ang nag utos na magpabili ng gata at ng gatas! hehe! para sure na maluto nila di ba!

pagkatapos kumain, napag tripan naming matulog, isang unan dalawa kami ng wife ko, habang nagbibisekleta ang mga bata at maingay na kwentuhan ng mga tao, oks lang kahit maingay hindi ko naman sila naiintindihan, nagkakapangpangan sila eh! malay ko kung ako pinag uusapan nila! maya-maya lang gigising naman ako. Lumalim ang tulog, pero nasa isip ko ang meryenda. Pagmulat ng mata ko, kita ko na ang tray na pinaglalagyan ng meryendang papalapit sa akin, MAIS CON....con saging, kamoteng kahoy at kamoteng ligaw!? oo ligaw dahil napulot sa tabing bakod ng kapitbahay. malilito ka sa sarap, hindi ko alam kung ako si SHAIDER o si FUMA LEy-AR ako!

Kailangan ko nang lumabas sa kuta ni FUMA Leyar kaya lipat ako sa terrace ng bahay ni tatang... mas mahangin pala dun at nagtiis ako ng init sa kubo! pero oks lang busog naman ako. Halos alas singko na nang hapon, halos katumbas na ng isang araw ko sa opisina yun, pero ang sarap ng pakiramdam na naiba ang nagawa ko sa buong maghapon, nakalimutan ko ang routine ko, diskarel ako pero gusto ko pang tumuloy kung saan at anuman ang gagawin ko pa sa araw na 'to. Ang totoo kanina pa ako nakapagsulat sa Cellphone ko, pero dahil sira na naman ang bluetooth ng laptop ko hindi ko mai-transfer ang una kong naisulat. Galing! same experience pero naisulat ko ng dalawang version.

Takbo na kami pabalik sa manila, pagkatapos syempre ng isang tasang kape.... nakapag Pray na kami kasama si Tatang... nagising si Jane at nagtanong na kung saan kami kakain? hmmm good idea,,,, duon na naman ako nakaisip ng bago! kaysa kumain sa labas at gumastos eto ang masarap na hindi namin madalas kinakain! ITLOG na PULA na madaming kamatis, Tuyo, scramble egg! sarap! panalo ang dinner namin. inantok na ako pati ang mga bata, tinulugan nadin ako ni toni, malamig nadin ang TUBA na pinatapal ko sa likod ko, wala na ang stress at sakit... fully charged na ako para bukas, ready na ulit para sa susunod na kabanata.

Friday, December 3, 2010

Lets VOLT in!!!!!

Masarap nuong bata pa ako, aabangan ko lang ang mga paborito kong cartoon show oks na ako! ngayon kailangan mong harapin lahat ng kalaban ng buhay, buti nalang lagi akong nanunuod ng VOLTES V!  sa isang banda may naitulong sa akin ang idol ko, na kailangan pa nilang mag-volt-in para kalabanin ang mga monsters, ibig sabihin mas magandang lumaban kung meron kang kakampi! mas malakas ika nila!

gayun din ang nangyayari sa akin, marami akong ka-volt-in para labanan ang hamon ng buhay, pero di ba minsan bumabagsak muna ang bida, sabay tatayo at bubunot ng kanilang special weapon bago hahatiin sa dalawa ang kalaban! haha! patay kang monster ka! sana ganun lang din kadali ang paglaban, pero sa ganun mo din maihahambing ang buhay, meron tayong mga special weapon na gagamitin para makatayo at makalaban!

LETS VOLT IN!!!!!

Parang kailangan ko talaga ng KAPE~

Gusto kong makalma ang utak ko, daming pagsubok na dumadating sa akin, parang hindi kaya ng puro talino, kailangan na dito tibay ng loob at higit sa lahat awa ng DIOS.

nakadalawang tasa na ako ng kape, bago ako magsulat. Pero parang walang effect sa akin ang kape ngayon, parang ibang kape na ang kailangan ko! lutang na ako kanina pa. Hindi nalang ako nagpapahalata, ayaw kong maging mahina sa paningin ng iba, pero minsan kailangan nating harapin ang sarili nating kahinaan para masabi nating malakas talaga tayo.

K- ahit
A- nong mangyari
P-ray lang ako para dumating ang aking
E-xpectations!

yan ang unang nabuo kong acronyms ng Kape sa tanang buhay ko! hope it will work and i know it will!

Thursday, December 2, 2010

Ang kapeng Naudlot... ItutuloY!

AYAN! Hindi ko na makakalimutan ang naudlot na BLOG-KAPE Ko! will continue this later!

eto na ang pagpapatuloy! sarap nito alas syete ng umaga ito ang inuna ko, syempre habang nagkakape na naman ako. Pero kahit umaga decaf ang tinitira ko.

Kopiko brown, ito ang nag baptized sa akin sa kape, dyan ako unang nainlove.....pero ika nga nila too much love will kill you.... eh muntik na akong magkanervous break down dito sa kape nato eh! lakas ng tama kaya dapat moderation sa pag inom nito.

Mabalik tayo sa kapeng patutsal! ang kapeng branded, nakilala ko naman 'to nung college days, nung mga panahon na lahat halos ng kilala ko after sa image na magmukang mayaman! kahit walang pera eh kailangang may bitbit ng kapeng starbucks!

Naalala ko tuloy ang kaibigan at professor kong si TIM CAPELLAN, sya ang unang professor ko na nagdala ng starbucks coffee plus the mug sa loob ng classroom, nakasuot ng pamatay na jacket at takenote, hindi nagtatagalog sa klase! at sa tuwing makikita ako ay tinatawag ako sa recitation, at sasabihing " Mr. Joey Garcia, you are jeopardizing my class by speaking in our native dialect, your not an Indyo anymore, you should recite in the language that is universally accepted!" haha! pamatay talaga si tim! dumaan ako sa butas ng karayom at talagang pinagpilitan kong makalampas! pero worth it naman talaga! pero siya pa lang naman ang pinaniwalaan kong may hawak ng Starbucks coffee na may "K" kasi yung iba talagang kahit pitsel na ng kapeng pangmayaman, hindi padin kayang mabago ang image nilang Jologs! haha!

hindi naman sa nanglalait ng tao, pero wala tayong magagawa lahat naman tayo gustong magkaron ng magandang imahe sa ibang tao di ba? pero higit sa imahe na pwedeng pagtingin sa atin, mas maganda ng magpakatotoo, siguro depende din sa kaharap nating tao, kung kailangang magpabango para hindi naman tayo laitin ng iba.

Madaming istorya pa ang naiisip ko sa kapeng to, mula sa mga baklang pokpok sa glorieta, hanggang sa celphone ko na 5110 na naiwan ko na walang naghangad na kumuha, pati ang susyalerang kahera na hindi ko maintindihan, hanggang sa pagka-addict ko sa ensaymadang pagkamahal-mahal! haha! daming pwedeng ikwento.

Pero, isa lang masasabi ko, hindi lang creamer ang nagpapasarap sa kape, kundi ang mga taong kakwentuhan mo habang ikaw ay nagkakape, mapakopiko, starbucks or nescafe decaf man ang iniinom mo. Kahit anong tinapay ang kapares, mapamamahaling ensaymada man yan o tig-pipisong pandesal, kapag naisawsaw na yan sa kape, parehas ang daloy nyan papunta sa tiyan.