eto na ang pagpapatuloy! sarap nito alas syete ng umaga ito ang inuna ko, syempre habang nagkakape na naman ako. Pero kahit umaga decaf ang tinitira ko.
Kopiko brown, ito ang nag baptized sa akin sa kape, dyan ako unang nainlove.....pero ika nga nila too much love will kill you.... eh muntik na akong magkanervous break down dito sa kape nato eh! lakas ng tama kaya dapat moderation sa pag inom nito.
Mabalik tayo sa kapeng patutsal! ang kapeng branded, nakilala ko naman 'to nung college days, nung mga panahon na lahat halos ng kilala ko after sa image na magmukang mayaman! kahit walang pera eh kailangang may bitbit ng kapeng starbucks!

hindi naman sa nanglalait ng tao, pero wala tayong magagawa lahat naman tayo gustong magkaron ng magandang imahe sa ibang tao di ba? pero higit sa imahe na pwedeng pagtingin sa atin, mas maganda ng magpakatotoo, siguro depende din sa kaharap nating tao, kung kailangang magpabango para hindi naman tayo laitin ng iba.
Madaming istorya pa ang naiisip ko sa kapeng to, mula sa mga baklang pokpok sa glorieta, hanggang sa celphone ko na 5110 na naiwan ko na walang naghangad na kumuha, pati ang susyalerang kahera na hindi ko maintindihan, hanggang sa pagka-addict ko sa ensaymadang pagkamahal-mahal! haha! daming pwedeng ikwento.
Pero, isa lang masasabi ko, hindi lang creamer ang nagpapasarap sa kape, kundi ang mga taong kakwentuhan mo habang ikaw ay nagkakape, mapakopiko, starbucks or nescafe decaf man ang iniinom mo. Kahit anong tinapay ang kapares, mapamamahaling ensaymada man yan o tig-pipisong pandesal, kapag naisawsaw na yan sa kape, parehas ang daloy nyan papunta sa tiyan.
No comments:
Post a Comment